Naniniwala si MMDA General Manager Nicolas Torre na dapat muling bisitahin ang Clean Air Act kasunod ito ng problema sa basura.
Nabatid na isa sa mga isinasagawa sa mga basura ay sunugin ito na lubhang naka-aapekto sa hangin.
Ayon kay Torre, dahil sa mga makabagong teknolohiya sa tingin nito ay dapat na muling mabisita ang nasabing batas para maging angkop sa pangangailan ng tao.
Binigyang-diin pa nito na kinakailangan talaga ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan para sa problema sa basura.
Aniya, malinaw talaga na malaki ang role ng gobyerno para gumawa ng sistema sa pag-dispose ng basura na kung saan dapat ito ay isang sistemang epektibo ngunit may obligasyon rin ang mamamayan na suportahan ang sistema na ito pamamagitan ng pagsunod sa batas at regulasyon.











