BEAUTY QUEEN MULA SA BINMALEY, NAGHATID TULONG SA MGA NASALANTA NG HABAGAT

‎Pinatunayan ni Miss Nikki Buenafe na siya ay isang beauty queen with a heart matapos maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng pagbaha dahil sa pag-ulan dulot ng habagat.

‎Masaya ang mga residente ng barangay Pototan, Binmaley, Pangasinan nang sila ay dalawin ng dating Binibining Binmaley 2023 at Face of Beauty International 2025 at hatiran ng tulong nitong nakaraang August 20, 2026.

‎Sa kaniyang pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Binmaley at ilang probadong grupo, naisagawa ang isang Feeding Program at Relief Goods Giving Activity.

‎Sa munting regalong ito ay napasaya niya ang mga taong minsan na ring nagbigay suporta sa kaniyang mga adbokasiya bilang isang beauty queen.

‎Samantala, ayon sa Facebook page updates nito, may mga susunod na barangay pa itong dadalawin at hahatiran ng tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments