Negros Occidental, Philippines – Posibleng tatalakayin ng mga Local Government Unit ng Negros Occidental ang mas pinalakawak pa na hakbang kaugnay sa pag-boycott o pagbabawal ng Coca Cola products sa mga LGU sa lalawigan.
Ito ay kasunod na hiniling ni Negros Occidental Vice Gov. Eugenio Bong Lacson na i-boycott ang produkto ng naturang bottling company sa mga facilities and properties na pagmamay-ari ng probinsya dahil ito ay gumagamit ng high fructose corn syrup o HFCS.
Matatandaan na sa katatapos lang na panaad sa Negros festival, ipinagbawal ang Coca Cola product.
Ang mga stakeholders ng sugar industry sa lalawigan at ilang mga LGUs nananawagan sa pag-boycott ng produkto bilang protesta sa paggamit ng kompaniya ng high fructose corn syrup.
Samantala, ibinasura ng QC RTC ang Motion for Reconsideration ng Coca Cola sa pag-deny naman ng korte sa hiling nito na Temporary Restraining Order sa sugar order no. 3 ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
DZXL558