Itinigil na muna ng Supreme Court (SC) ang pagtanggap ng mga petisyon kontra Anti-Terror Law na isinasama sa consolidation
Sa SC en banc, nagpasya ang mga mahistrado na ang huling petisyon na kanilang tatanggapin para sa consolidation sa original petitions ay ang ika-35th petition na inihain ng women’s group, kabilang na ang petisyon nina martial law survivor Aida Santos, journalist Kara Alikpala at writer Lualhati Bautista.
Habang ang mga bagong petisyon na ihahain laban sa Anti-Terror Law ay ira-raffle na para sa hiwalay na ponente at ituturing na hiwalay na kaso.
Samantala, patuloy pang pinag-aaralan ng Korte Suprema kung itutuloy ang oral arguments sa mga petitions.
Una na kasing hiniling ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court na huwag nang ituloy ang oral arguments dahil sa banta na dulot ng COVID-19 pandemic.