PNP, nagbabala sa publiko kaugnay sa mga nagpapanggap na opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng Facebook

46

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa mga taong nagpapanggap na mataas na opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng Facebook.

Ginawa ang babala matapos na matukoy ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang indibidwal na gumawa ng pekeng Facebook account gamit ang pangalang Camilo P. Cascolan, na pangalan ng mismong PNP Chief.

Ginamit umano ng suspek ang ninakaw na personal data para lumikha ng pekeng profile sa Facebook at magpanggap bilang si PNP Chief.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Ysmael Yu, naalerto si PNP Chief sa ginagawa ng bogus account matapos isumbong sa kanya ng isang kaibigan na ang pamangkin nitong pulis sa Nueva Ecija ay muntik nang magpadala ng ₱10,000 sa scammer sa pamamagitan ng wire transfer para ma-reassign sa magandang pwesto.

Ayon Kay PNP-ACG Director Pol. Brig. Gen. Dennis Agustin, nakapagsagawa na sila ng case build up laban sa suspek at hinihintay nalang ang arrest warrant laban dito.

Facebook Comments