Pag-convert bilang health facilities sa apat na malalaking gusali ng gobyerno sa NCR, pinag-aaralan ng DPWH

Inirekumenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mai-convert ang apat na malalaking gusali na pag-aari ng gobyerno bilang health facilities para sa mga pasyente ng COVID-19.

Sinabi ni Public Works Sec. Mark Villar na partikular na tinitignan nila ang posibilidad na ipa-convert ang Philippine International Convention Center o PICC, Word Trade Center, Rizal Memorial Coliseum at ang Philippine Institute of Sports Multi-purpose Arena na kayang  mag-accommodate ng 2,905 pasyente.

Inirekumenda naman ng kalihim na magamit lang ang nasabing mga pasilidad bilang isolation rooms ng mga maituturing na Patients Under Investigation (PUIs) at Patients Under Monitoring (PUMs).


Kumpleto anya ang pasilidad sa linya ng tubig at kuryente na maaaring magamit bilang mga isolation rooms.

Bukod sa mga nasabing pasilidad, tinitignan din ng DPWH ang mga open area nito bilang sites, o lokasyon na maaaring paglagyan din ng mga tents para sa karagdagan pang pasilidad pangkalusugan ng gobyerno.

Kabilang dito ang Quezon City Memorial Circle, University of the Philippines-Diliman Campus at Veterans Memorial Medical Center na maaaring makapag-accommodate ng mahigit 7 libo pang pasyente.

Facebook Comments