Nakapagtala ng pinakamataas na audit rating o unmodified opinion ang Pag-IBIG Fund mula sa Commission on Audit (COA) sa ika-siyam na sunod-sunod na taon.
Batay sa datos na inilabas ng Pag-IBIG Fund, aabot sa P4.8 million na pondo ang inilaan sa mga kababayan natin nitong nakaraang taon.
Bukod dito, nakapagtala rin ng 320,406 borrowers na tinulungan ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng 3-month loan payment moratorium program habang 85,440 home loan borrowers ang nakinabang mula sa special loan restructuring program.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Moti, bagama’t bumagal ang paglago ng ekonomiya nitong 2020 dahil sa COVID-19 ay hindi tumigil ang ahensya sa pagtulong sa pamamagitan ng pinansyal sa mga kababayan sa mga naapektuhan ng pandemya.