Kinansela ng Pilipinas ang pag-import ng 300,000 metric ton (mt) na bigas mula Vietnam matapos itaas ng Southeast Asian Country ang ban sa rice exportation.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, kalakip ng Philippine International Trading Center (PITC) ang pag-abandona sa planong pag-import ng mga bigas na target sanang dumating sa loob ng buwan ng Hulyo at Agosto.
Nabatid na ang Vietnam ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas sa pag-import sa mahigit 90% ng bigas.
Dahil dito, ipinagbabawal na ng Vietnam ang rice export o ang paglabas ng mga bigas para matiyak ang seguridad ng pagkain sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Lopez, sang-ayon si Pangulong Rodrio Duterte, kasama ang Vietnamese Government, maging si Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc sa pagpapatupad ng ‘rice export ban’ policy kapalit ng pag-ambag ng Vietnam na masiguro ang matatag na suplay ng pagkain sa bansa.