
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na nakikipag-usap na rin ang Pilipinas sa Russia para sa pag-import ng langis.
Sinabi ni Energy Sec. Sharon Garin na maging ang mga kumpanya ng langis ay nakikipag-ugnayan na rin sa petroleum companies sa Russia para sa pagkuha ng supply ng petrolyo.
Samantala, tumanggi muna ang Energy Department na ianunsyo kung magkano ang utay-utay na taas-presyo sa langis.
Nagkaroon aniya kasi ng concerns ang oil companies at iniiwasan nilang magkamali sa pag-anunsyo ng staggered na halaga.
Magugunitang nitong nakaraang linggo, mismong ang DOE ang nag-anunsyo ng halaga ng staggered increases ng mga kumpanya ng langis.
Facebook Comments










