Hinigpitan ang pag-iinspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) partikular sa mga pasaherong galing ibang bansa.
Kasunod na rin ito ng pagdeklara ng World Health Organization (WHO) sa Monkeypox virus bilang isang global public health emergency.
Paglapag sa NAIA, isa-isang sinusuri ang mga health documents ng mga pasaherong galing sa ibang bansa bilang bahagi ng screening.
Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na bago pa ang naturang deklarasyon ay may nailatag na silang surveillance system para sa Monkeypox virus simula noong Mayo.
Ibig sabihin nito ay kakayahan na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at University of the Philippines Genome Center (UPGC) na maka-detect ng naturang virus.
Sa ngayon, wala pang nagpopositibo sa mga tinetest nilang mga samples.
Samantala, ayon sa Vaccine Expert Panel ay maaaring gamitin ang small pox vaccine kontra- Monkeypox habang mayroon na ring mga bakunang idinedevelop para sa Monkeypox ngunit sa ngayon ay kakaunti pa lamang ang suplay nito.