VP at DepEd Secretary Sara Duterte, hinarap ang PBBM-Sarah allied groups sa IBP Road sa Batasan Hills, QC

153

Mula sa Batasang Pambansa, dumiretso sa concert rally ng PBBM allied groups sa IBP Road sa Batasan Hills, Quezon City si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

Nagulat ang lahat nang biglang may dumating na mga Presidential Security Guard (PSG) at pinaatras nang kaunti ang mga tagasuporta.

Tuwang-tuwa at nasorpresa ang mga tagasuporta nina PBBM at ng bise presidente na abala sa pakikinig sa tugtugan at awitan ng mga banda.


Sa pagtungtong niya sa entablado ay maikli lang ang sinabi ni Duterte.

Nagpahayag lang siya ng pasasalamat sa suporta ng mga ito sa BBM-Sara tandem noong nakaraang eleksyon.

Agad din namang nagpaalam si Duterte matapos makapagpasalamat.



Abot sa mahigit 6,000 BBM supporters ang nakibahagi sa SONA all concert rally sa IBP Road Batasan Hills, Quezon City.

Facebook Comments