PAG-ISIPANG MABUTI | Pagtatanggal ng ban sa bansa Kuwait, huwag dapat madaliin – Migrante International

Manila, Philippines – Pinasaringan ng grupong Migrante International ang DFA at DOLE tungkol sa kakulangan nitong ipatupad ang kanilang mandato na mabigyan ng sapat na proteksyon ang ating mga manggagawa na nagnanais makapagtrabaho sa ibang bansa partikular na sa Kuwait, Saudi Arabia at ilan pang bansa sa Gitnang Silangan.

Sa ginanap na forum sa Manila sinabi ni Migrante International Arman Hernando na noon lamang ay nakita na ng gobyerno ang vulnerability ng ating mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa, lalung lalo na sa Gitnang Silangan na kung saan hindi napapairal ang sapat na proteksyon sa ating mga manggagawa.

Paliwanag ni Hernando na hindi pinapatupad ang kailangang mga benepisyo para sa ating mga kababayan kaya doon dapat sana umano pumasok ang gobyerno para maiwasan ang pang-aabuso mga OFW sa ibang bansa.


Ikinatuwiran nito na dapat sana ay noon pa napatigil ang deployment ng mga domestic helper sa Gitnang Silangan kung sinuring mabuti ng gobyerno ang mga pangyayaring nagaganap at pang-aabusong nararanasan sa kanila.

Batay sa datos ng Federation of Free Workers 90 porsyento ng mga kaso ng pang-aabuso at pagkamatay ng manggagawang Pinoy ay nagaganap sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments