Pag-iwas sa Depresyon, Ibinahagi ng ilang Dalubhasa para Maiwasan

Cauayan City, Isabela- Pinayuhan ng ilang dalubsaha sa medisina ang publiko para makaiwas sa posibleng depresyon at anxiety sa kabila ng nararanasang krisis laban sa COVID-19.

Ayon kay Dra. Evangeline Fajardo, isang Psychologist, sinabi niya kinakailangan na aliwin ang sarili sa paraan na makapakinig ng magagandang musika, magkaroon ng pahina sa sarili, kumain ng tama at sapat at mag-ehersisyo.

Aniya, kinakailangan din na umiwas sa madalas na pag-inom ng nakalalasing na inumin at sobrang pagkaadik sa kape dahil mahigpit na ipinagbabawal ito dahil sa posibleng may hindi magandang dulot ang sobra-sobrang pag-inom ng mga ito.


Ipinunto rin niya ang kailangang sapat na tulog at tanggapin na hindi talaga kayang kontrolin ng ating mga sarili ang nangyayaring sitwasyon habang kinakailangan din na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay para malampasan ang krisis na dulot ng virus.

Paglilinaw pa ni Dra. Fajardo, ilan sa mga palatandaan na nakakaranas ng depresyon ang isang tao ay ang laging balisa sa sarili, iba ang nagiging pokus at higit sa lahat hindi maayos ang sarili sa pisikal na aspeto.

Sa ganitong sitwasyon aniya ay kinakailangan na magkaroon ng taong makakausap na mapagkakatiwalaan upang maibsan ang lungkot na nararanasan ng isang tao.

Facebook Comments