Pag-Iwas sa Sakuna, Ipinaalala kasabay ng Fire Prevention Month

*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpaalala ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection Cauayan City sa publiko kaugnay sa pag-uumpisa ng Fire Prevention Month ngayong Buwan ng Marso na may temang: “Matuto ka, Sunog, Iwasan Na.”

Ayon kay CINSP. Pedro B. Espinosa <www.facebook.com/espinosa.pedro.5?__tn__=%2CdK-R-R&eid=ARDD_yuInUP79_WyIJ3bHx87HviGrkLbyxSXekBsWoCcIABHAuNrQ9tunT_MoU-dIAyq_sMSRsPTYTID&fref=mentions>, City Fire Marshal, ito ay bahagi ng panawagan sa publiko na doblehin ang pag iingat upang makaiwas sa sunog.

Nagbabala naman ito sa mga establisyimento na mangyaring sumunod sa mga nakasaad sa FireCode para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.


Kaugnay nito ay nagpaalala ang ahensya sa mga establisyimento na kinakailangan sundin ang ‘Notice to Comply’ na una ng naibigay ng BFP Cauayan.

Binigyang dii noa ni Espinosa ang katagang ‘Kamalayan, Kahandaan at Kaisa’ bilang tanda na dapat nasa isnag komunidad o pamilya ang ganitong paghahanda para iwas sakuna.

Siniguro din ng BFP Cauayan na mas papaigtingin ang mas mabilis na pagresponde sa mga sakuna gaya ng sunog.

Facebook Comments