Pag-lockdown sa Cauayan City, Walang Katotohanan

Cauayan City, Isabela- Iginiit ni City Mayor Bernard Dy na walang katotohanan ang kumakalat na balitang isasalalim sa lockdown ang buong Lungsod ng Cauayan.

Sa public address ni City Mayor Bernard Dy kaninang alas 10:00 ng umaga, wala pa aniyang rason para ilagay sa Enhanced Community Quarantine ang syudad ng Cauayan at hindi rin aniya ito mangyayari.

Sa kasalukuyan, mayroong 52 total confirmed cases ang Cauayan at 36 rito ang aktibong kaso na naka admit sa mga ospital habang ang iba ay naka strict quarantine sa mga itinalagang pasilidad sa Lungsod.


Ayon pa kay Mayor Dy, labing anim (16) na mga barangay sa Lungsod ang nakapagtala na ng positibong kaso ng COVID-19 at lima (5) rito ay kinakailangang ilagay sa Calibrated lockdown.

Ang limang barangay ay ang Minante Uno na may apat (4) na kaso, San Fermin na may labing isang (11) kaso, District 3 na may walong (8) kaso, Labinab na may apat (4) na kaso at Baringin Sur na may tatlong (3) kaso.

Mayroon naman aniyang kanya-kanyang quarantine facilities ang bawat barangay sa Lungsod at desisyon na ng mga ito kung ililipat sa pasilidad ang nagpositibo at kung isasailalim sa lockdown ang lugar na pinagmulan ng nagpositibo.

Alinsunod naman sa zoning containment strategy guidelines ng IATF na kung saan ang entry point ng barangay na may dalawa (2) o higit pang confirmed positive, probable at supected cases ay kinakailang isara sa loob ng tatlo (3) hanggang pitong (7) araw dipende sa sitwasyon upang maiwasan ang pagpasok at paglabas ng mga tao para mapigilan ang pagkalat ng virus at para sa mas mabilis na pagsasagawa ng contact tracing.

Facebook Comments