Pag-overhaul ng prison system, iminungkahi ng Senado

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pag-overhaul sa prison system ng bansa.

Ang rekomendasyon ng senador ay kaugnay na rin sa pagsasampa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ng murder case laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at sa iba pang sabit sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Villanueva, dapat na maging pangunahing layunin ng Senado sa planong pagpapaimbestiga sa pagpatay kay Lapid ang pag-overhaul o pagsasaayos sa prison system ng bansa.


Aniya pa, nakipag-ugnayan na sila kay Senator Ronald Bato dela Rosa at sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs para sa layuning makalikha ng makabuluhang lehislasyon para sa pagreporma ng prison system.

Layunin ng isasagawang pagsisiyasat ng Senado sa kaso ng pagpatay kay Lapid na bigyang linaw ang mga lumabas na ulat sa media kung saan lumalabas na mula sa loob ng New Bilibid Prison nanggaling ang utos na ipapatay ang broadcaster.

Facebook Comments