Aplikasyon sa mababakanteng posisyon sa CA at Sandiganbayan, bukas na

Bukas na ang Judicial and Bar Council (JBC) sa aplikasyon at nominasyon para sa mga bakante at mababakanteng posisyon sa Court of Appeals (CA) at Sandiganbayan.

Partikular ang tatlong puwesto sa CA at isa sa Sandiganbayan.

Kabilang dito ang binakanteng pwesto ni dating CA Justice Maria Filomena Singh na naitalagang mahistrado ng Korte Suprema at mga magreretirong CA Justices na sina Manuel Barrios at Loida Posadas- Kahulugan, at retired Sandiganbayan Justice Alex Quiroz.


Ang mga interesadong aplikante ay dapat na bisitahin ang website ng JBC at i-access ang Online Application Scheduler bago ang deadline ng submission ng requirements sa December 20, 2022.

Facebook Comments