Filipino crew member, nawawala matapos masunog ang sinasakyang Taiwanese fishing boat

Isang Filipino crew member ang napaulat na nawawala matapos na masunog ang sinasakyan nitong Taiwanese fishing boat habang naglalayag sa bahagi ng Northern Pacific Ocean noong Linggo.

Sa ulat ng official news agency ng China na Xinhua, nasunog ang Hsiang Ching fishing vessel sa 400 nautical miles silangan ng Kushiro Port sa Hokkaido.

Sakay nito ang nasa 49 na crew ng barko.


Nailigtas naman ng Chinese vessel na Yong Fa 1 ang karamihan sa mga sakay ng barko habang patuloy pa ang paghahanap sa nawawalang Pinoy.

Facebook Comments