Manila, Philippines – Ipinasasama ng grupong Gabriela kay House Speaker
Pantaleon Alvarez ang divorce bill sa listahan ng mga priority measures ng
Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ginawa ng women’s group ang pahayag sa gitna ng kontrobersiya sa extra
marital affairs ni Alvarez.
Ayon kay Rep. Arlene Brosas – ang divorce ay isa sa legal options na
pwedeng magamit ng mga mag-asawang hindi na nagkakaunawaan o gusto na
talagang maghiwalay.
Marapat lamang aniya na pag-usapan na ng kongreso ang panukalang
pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas, na makakatulong aniya kung
irreconcilable na ang sitwasyon ng mag-asawa.
Sa kabila nito, nilinaw ni Brosas na ang diborsyo ay hindi lisensya para
mangaliwa.
Ngayong 17th congress, muling binuhay ng Gabriela Partylist ang divorce
bill, sa pag-asang makakapasa na ito.
Nation”