Naniniwala ang business tycoon na si Manuel V. Pangilinan na magiging mabigat na dagok para sa future investments ng bansa ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na masusing pag-aralan ang mga pinasukan nitong kontrata.
Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo sa solicitor general at sa Department of Justice (DOJ) na i-review ang lahat ng kontrata kabilang na ang mga nasa water concessionaires na Maynilad at Manila Water.
Bago ito, sinabi ng Malacañang na ang mga opisyal ng Maynilad Water Services, Inc. na siyang nakipagnegosasyon para sa concession agreement sa gobyerno ay may pananagutan sa gitna na rin ng planong i-urong ang arbitration proceedings laban sa pamahalaan.
Ayon kay Pangilinan, chairperson ng Maynilad – ang mga nakasaad na probisyon sa kanilang concession agreement ay kaparehas din sa Manila Water.
Noong 2017, ipinag-utos ng international tribunal sa Philippine government na bayaran ang Maynilad matapos manalo sa kanilang ₱3.44 billion indemnity claims.