Manila, Philippines – Bukas sa pakikipag dayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng Simabahang Katoliko.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng namumuo nanamang hidwaan sa pagitan ni Pangulong Duterte at ng Simbahan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maaayos din naman sa isang dayalogo ang anomang hindi pagkakaintindihan.
Normal naman kasi aniya ang pagpapahayag ng saloobin ng isang indibidwal na nasa bansa na buhay na buhay ang demokrasya.
naniniwala din naman si Roque na malaki ang bentahe na magiging maayos ang relasyon ng Simbahang Katoliko at ng Administrasyon lalo pat ang Secretary General ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na si Archbishop Romulo Valles ay kababayan at personal na kilala pa ni Pangulong Duterte.
Binigyang diin din naman ni Roque na gagawin ng pamahalaan ang mandato nito na pigilan ang kultura ng karahasan hindi lamang para protektahan ang mga alagad ng simbahan kundi ang sambayanan.