Pag-veto ni PBBM sa bahagi ng unprogrammed funds, dapat maging panimula ng mas malalim na reporma sa mga susunod na national budget

Iginiit ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Robert Nazal na ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ₱92.5 bilyong unprogrammed appropriations (UA) sa ilalim ng 2026 National Budget ay dapat magsilbing panimula ng mas malalim na reporma sa mga susunod pang pambansang badyet.

Para kay Nazal, maituturing na partial victory ang hakbang ng Pangulo, bagama’t hindi nito tuluyang na-veto ang buong halaga ng unprogrammed funds na nakapaloob sa pambansang pondo ngayong taon.

Ayon kay Nazal, malinaw na hakbang ito patungo sa mas mahigpit na fiscal discipline, na aniya’y dapat maging tuloy-tuloy at konsistent sa mga darating na budget cycle.

Diin pa ni Nazal, ang naturang veto ay maaaring magsilbing panimulang hakbang upang matiyak na ang bawat pisong ginagastos mula sa kaban ng bayan ay may malinaw na layunin, sapat na batayan, at pananagutan.

Facebook Comments