PAGASA, pinawi ang takot ng publiko sa isa pang LPA na papasok sa bansa

Pinawi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangamba ng publiko sa panibagong Low Pressure Area (LPA) na papasok sa bansa bago matapos ang taon.

Sa ginanap na briefing ng House Committee on Transportation, sinabi ni PAGASA Administrator Vicente Malano na sa ngayon ay maliit ang tsansa na maging bagyo ang LPA.

Ito ang pahayag ng PAGASA upang hindi mabahala ang mga kababayan natin na may panibagong kalamidad na naman lalo’t matindi ang dinanas na pinsala ng maraming lugar sa Visayas at Mindanao sa Bagyong Odette.


Nagkaroon aniya ng “full council meeting” noong December 17 patungkol sa kung paano aayusin ang epekto ng Typhoon Odette kung saan kasama rin sa pulong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabanggit ng PAGASA na pabago-bago rin ang direksyon ng inaasahang LPA.

Sa naunang anunsyo ng PAGASA, ang LPA ay maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa December 26 o 27, at lumapit sa bahagi ng Mindanao sa gabi ng December 29 o umaga ng December 30.

Facebook Comments