Nagsagawa ng saturation drive ang FDA Region I, II, III at ang Cordillera Administrative Region (CAR) Food and Drugs Administration kasama ang Business Permits and Licensing Office Infanta sa labingwalong (18) pagawaan ng asin sa bayan.
Ang layon nito ay upang masigurong sumusunod ang mga ito sa polisiya at patakarang itinakda sa implementing rules and regulations ng Republic Act No. 8172, na may pamagat na “An Act Promoting Salt Iodization Nationwide”.
Ayon sa alkalde ng bayan katuwang ang lokal na pamahalaan ay sisikapin umano ng mga ito na mapabuti ang kalidad ng mga produkto dahil sa isa ang asin sa mga produktong ipinagmamalaki ng bayan.
Isa pa umano ang inspeksyon sa maaaring makapagsabi sa mga kailanang gawin upang mas mapaunlad ang industriya ng pag-aasin. | ifmnews