Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS patungkol sa hunger rate sa bansa.
Batay kasi sa resulta ng survey, bumaba ang bilang ng mga nagugutom sa 10.5% noong December 2018 mula sa 13.3% noong September ng nakaraang taon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, consistent din ito sa resulta ng isang survey kung saan sinasabi na bumaba din ang bilang ng mga Pilipinong sinasabing sila ay mahirap.
Ibig sabihin aniya nito ay naramdaman ng mga Pilipino ang mga ginawang hakbang ng Pamahalaan para mapagaan ang buhay ng mga Pilipino na siyang dahilan din kung bakit mataas ang trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.