Ipinagmalaki ng Malacañang na nagbubunga na ang mga pagsisikap ng Duterte Administration para maiahon sa kahirapan ang mayorya ng mga Pilipino.
Ito ay kasunod ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan bumaba sa 38 percent mula sa 50 percent ang mga Pilipinong nagsabing sila ay mahirap.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang magandang resulta ng survey ay patunay na hindi umubra ang mga mapanirang propaganda ng mga kritiko sa Duterte Administration noong panahon ng kampanya.
Aniya, on track ang administrasyon sa mga ipinatutupad na hakbang para mabawasan ang antas ng kahirapan sa bansa.
Sabi pa ni Panelo, target ng Duterte Administration na mabawasan at maibaba pa hanggang 14 precnt ang antas ng kahirapan hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Pinasalamatan naman ng Palasyo ang mga Economic Manager ng gobyerno gayundin ang mga miyembro ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster, Social Welfare Officer at Barangay Health Worker dahil sa kanilang serbisyo at aksyon para mabago ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.