Lea Salonga,  nagalit sa nagpapakalat ng fake news na aalis na siya sa showbiz

59

Nagalit ang Singer/Actress na si Lea Salonga dahil sa pagpapakalat ng fake news na umalis na raw siya sa showbiz.

Sa kaniyang Instagram post, iginiit ni Lea na malabong lisanin niya ang showbiz dahil napamahal na siya sa kaniyang trabaho.


Maliban rito, itinanggi din niya na nage-endorso siya ng isang skin care product.

Isa si Lea sa bumida sa pelikulang “Yellow Rose” na nanalo ng Grand Jury prize sa 35th Los Angeles Asian Pacific Film Festival, 2019 Bentonville Film Festival at Caamfest37.

Kilala rin siya sa kaniyang mga pagganap sa mga stage musical show gaya ng Miss Saigon.

Facebook Comments

From Advertisers