Pagbaba ng COVID-19 cases sa Metro Manila, hindi pa rin malinaw na indikasyon ng downward trend ayon sa isang health expert

Hindi pa rin malinaw na indikasyon ng downward trend ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ayon kay National Task Force (NFT) Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa.

Kasunod ito ng pahayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumaba na sa negative 10 percent ang weekly COVID-19 growth rate ng rehiyon kung saan indikasyon ito ng downward trajectory.

Ayon kay Herbosa, dapat patuloy pa ring mag-ingat kahit nagkaroon ng mabilis na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang araw.


Kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 22, 958 na bagong kaso ng COVID-19; mas mababa sa naitalang 28, 471 new COVID-19 cases noong Martes, Enero 18.

Facebook Comments