Walk-in sa Resbakuna sa Botika, papayagan na ayon kay Vaccine Czar Vince Dizon

65

Papayagan na ang walk-in sa lahat ng botika na kabilang sa Resbakuna sa Botika program kung saan magbibigay ito ng booster shot kontra COVID-19.

Ito ang pahayag ni Vaccine Czar Vince Dizon, matapos nitong bisitahin kaninang umaga ang Generika Drugstore sa Signal 1 Taguig City.

Pero ayon kay Dizon, priority pa rin ang mga nakapag-register sa online na mabigyan ng booster shot.


Samantala, kanya naman imumungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng insentibo ang mga maggagawa ng botika na kasama sa nasabing programa.

Pag-aaralan din aniya ang paglagay ng vaccine test sa mga botika dahil sa posibleng hawaan ng COVID-19 busod na rin ng pagdagasa ng mga magpapa-booster shot sa mga botika.

Facebook Comments