Transport terminals, pinag-aaralan na ring gawing vaccination site

Posibleng gamitin na ring COVID-19 vaccination sites ang mga intergrated transportation terminal sa Metro Manila.

Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kaungay sa pagbabakuna ng publiko kontra COVID-19 sa naturang lugar.

Kasunod na rin ito ng umiiral na “No vaccination, No rideā€™ Policy sa National Capital Region (NCR).


Samantala, sinisilip na rin ng Department of Transportation (DOTr) ang ibang istasyon ng tren at maging ang mga expressways bilang vaccination sites.

Facebook Comments