Manila, Philippines – Duda ang Commission on Human Rights sa datos ng PNP na nagpapakita na bumaba ng 7.98-percent ang kaso ng pagpatay mula Enero hanggang Agostong 2017.
Ayon kay CHR spokesperson Jackie De Guia, susuriin ng ahensya ang datos ng PNP dahil hindi ito kapanipaniwala.
Ito ay sa dahilang sunud-sunod pa rin ang mga patayan na nangyayari na maiuugnay sa kampanya sa giyera laban sa droga.
Partikular na tinukoy niya ang mga vigilante killings at ang mga patayan na bagamat sinasabing sa konteksto ng nanlaban ay maituturing pa ring murder at homicide.
Idinagdag ni Deguia na ang patayang ito ay maituturing na breakdown ng rule of law at naghahatid ng pangamba sa seguridad ng pangkaraniwang mamamayan.
Facebook Comments