Pamilya Castillo, bukas sa pagiging state witness ni Ralph Trangia

38

Manila, Philippines – Kasunod ng pagsuko ng isa sa mga itinuturing na suspek sa pagpatay sa UST Law freshman student na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III.

Bukas ang pamilya Castillo sa mungkahing gawing state witness si Aegis Juris Fraternity officer Ralph Caballes Trangia.

Ayon sa tatay ni Atio na si Horacio Jr., papayag silang maging testigo si Trangia kung sasabihin nito ang lahat ng kanyang nalalaman kung paanong namatay sa initiation rites sa kamay ng Aegis Juris Fraternity ang kanyang anak.

Sinabi pa nito na dapat mayroong substance ang mga isisiwalat ni Ralph at matukoy nito kung sinu-sino talaga ang sangkot sa pagpatay kay Atio.

Kasunod nito, itinuturing na welcome development ng pamilya Castillo ang paglutang ni Trangia.

Inamin din nito na napakahirap ng kanilang pinagdadaanan sa ngayon na mawalan ng mahal sa buhay.

Facebook Comments