Handa si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na tulungan ang mga kabataang nakita sa viral video na humihithit ng Marijuana at minumura si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Go, handa sila na tumulong sa mga ito para sa rehabilitasyon upang makawala ang mga ito sa impluwensiya ng iligal na droga.
Hinikayat din ni Go ang 6 na sumukong lalaki na imbes na gumamit ng iligal na droga ay maglaro nalang ng basketball o di naman kaya ay ibang sports.
Binigyang diin di ni Go na kung hindi magbabago ang mga kabataang ito ay talagang sa impyerno talaga ang tuloy ng mga ito.
Matatandaan na sinabi ni Go na papayuhan niya si Pangulong Duterte na ipakain sa mga lalaki ang marijuana na hinihitit ng mga ito.
Facebook Comments