Pagbabaklas ng mga campaign posters at advertisements, tutukan na rin ng PNP

Manila, Philippines – Gagawin na rin ng mga pulis ang pagbabaklas ng mga campaign posters at advertisements sa lahat ng establishment na pagaari ng gobyerno.

Ito ay matapos na iutos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DILG Sec Eduardo Año.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac, agad na naglabas ng direktiba si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa mga PNP Regional Directors na gawin ang pagbabaklas ng mga billboard, tarpaulins, posters, steamers, banners at iba pang mga campaign materials sa mga government property.


Ang kautusang ito ay upang mas mapaigting ang panghuhuli sa mga lumalabag sa COMELEC resolution No. 10488.

Layunin rin nito ay malinis at payapang midterm election na gaganapin sa May 13, 2019.

Facebook Comments