Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang limang taong gulang pababa sa bansa, posibleng sa Oktubre pa masimulan

Posibleng abutin pa ng tatlo hanggang apat na buwan bago magdesisyon ang Food and Drug Administration o FDA hinggil sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang limang taong gulang pababa.

Paliwanag ni Vaccine Expert Panel o VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, mahaba kasi ang gagawing proseso para sa evaluation ng isang gagamiting bakuna kaya naman dadaan talaga ito sa mahigpit na pag-aaral ng mga eksperto.

Karaniwan aniyang nasa 40 araw ang itinatagal ng evalution process, pero pwede pa ito maging mas matagal dahil kulang pa ang kailangang datos.


Ayon pa kay Gloriani, tatlong pamantayan ang masusing tinitingnan sa evaluation tulad ng safety, immunogenicity at efficacy o protection.

Sa kabila nito, iginiit ni Gloriani na kailangan na talagang mabigyan ng bakuna ang mga batang edad lima pababa, pero kailangan lang na masuri muna nang mabuti ang ibibigay na bakuna sa mga ito.

Facebook Comments