PAGBABAKUNA NG BOOSTER SHOTS KONTRA COVID19, BUKAS SA MGA HEALTH CENTERS NG PANGASINAN

Hinihikayat ng Provincial Health Office (PHO) ng Pangasinan ang lahat ng indibidwal na maari ng mabakunahan ng “Booster shot” na magtungo lamang sa mga Health Centers sa lalawigan para magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon sa pamunuan ng PHO, mayroong sapat na bakuna para sa Booster shot sa lahat ng Health Center sa lalawigan kaya’t hindi problema ang suplay nito.
Kailangan lamang na ipakita ng mga taong nais magpa-booster shot ang kanilang Vaccination Card upang malaman kung may sapat ng panahon o interval para mabigyan ng Booster shot ang isang Fully Vaccinated na mga indibidwal.

Muling ipinaalala ng tanggapan ang kalahagahan ng Booster dose sa pagpapataas ng proteksyon laban sa malalang sintomas ng COVID-19.
Nabatid na sa mga nakalipas na araw ay kinakitaan na muli ng pagtaas ng COVID-19 infection sa lalawigan ng Pangasinan at isa sa nakikitang dahilan ay ang mababa paring bilang ng mga indibidwal na nakakatanggap ng kanilang Booster dose. | ifmnews
Facebook Comments