Pagbabakuna sa general public, maaaring magsimula sa Hunyo o Hulyo – Galvez

Posibleng makapagsimula na sa susunod na buwan o sa Hulyo ang pagbabakuna sa general public laban sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., inaasahang magkakaoon ng target output na nasa 25 milyong bakuna sa Hunyo o Hulyo.

Kapag naabot ito ay maaaring maisagawa ang vaccination ng general public.


Sinabi ni Galvez na resulta ito ng pagdating ng 1.5 million Sinovac vaccines at dalawang milyong AstraZeneca vaccines sa ilalim ng COVAX Facility.

Sa ngayon, aabot na sa 7,51,000 doses ang supply ng bakuna sa bansa at higit apat na milyon na ang naipamahagi sa 3,410 vaccination sites sa bansa.

Dahil dito, naniniwala si Galvez na maapabilis ang vaccination at makakamit agad ang herd immunity.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 58 milyong Pilipino sa “focus” at “expansion areas” para maabot ang herd immunity.

Ang mga “focus” areas ay ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Batangas, at Rizal, maging ang Cebu at Davao.

Ang Expansion areas ay ang sumusunod:
1. Central Luzon, Southern Tagalog Regions, Cagayan de Oro, Baguio City, Zamboanga City
2. Bacolod, Iloilo, General Santos City, Iligan, Central Visayas, Davao Region
3. Northern Mindanao, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region
4. Bicol, Ilocos, Soccsksargen, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos City, at Caraga.

Sa vaccine deliveries, nasa 1.1 million doses ng Pfizer, 500,000 doses ng Sinovac, at dalawang milyong doses ng Sputnik V ang darating sa bansa ngayong buwan.

Sa Hunyo, darating ang 1.1 million doses ng Pfizer, 4.5 million doses ng Sinova, 250,000 doses ng Moderna, 1.3 million doses ng AstraZeneca, at dalawang milyong doses ng Sputnik V.

Kapag nakumpleto ang vaccine deliveries, inaasahang aabot sa 20.5 million ang vaccine supply sa bansa.

Facebook Comments