Pagbabakuna sa mga edad apat na taong gulang pababa kontra COVID-19, welcome sa DOH

Bukas ang Department of Health (DOH) sa pagbabakuna ng mga kabataang edad apat na taong gulang pababa kontra COVID-19.

Sianbi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasunod ng nagpapatuloy na evaluation ng Food and Drugs Administration (FDA) hinggil dito.

Ayon kay Vergeire, kailangang bakunahan ang mga vulnerable sector ng lipunan upang mabigyan ng proteksyon ngunit kailangan pa ring dumaan sa proseso ang mga produktong ibibigay sa mga ito.


Sa ngayon, inaantay pa rin ng kagawaran kung makakapasa sa evaluation ang in-apply na emergency use authorization (EUA) sa bansa para sa mga COVID-19 vaccine na nakalaan sa naturang age group.

Mababatid na inihayag ni Infectious Disease Expert na si Dr. Rontgene Solante na mas maganda na maisali na ang mga ito sa bakunahan lalo na ang dalawang taong gulang na bata pababa na palaging exposed sa mga mas nakatatanda.

Facebook Comments