Tataas ang bilang ng babakunahan ng gobyerno kontra COVID-19 kapag isinama na ang mga menor de edad sa susunod na buwan.
Kasunod ito ng anunsyo ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na plano ng gobyernong simulan ang pagbabakuna sa mga bata sa Setyembre o sa Oktubre.
Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, kapag isinama na ang mga edad 12 hanggang 17 na mababakunahan, mangangailangan ang bansa ng karagdagang 12 hanggang 14 million COVID-19 vaccine.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na suportado nila ang pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad kung may sapat na suplay na ng bakuna sa bansa.
Bukod dito, nais din aniyang maging prayoridad dito ang mga menor de edad na may comorbidities o may sakit.
Batay sa tala ng University of the Philippines (UP) na anim sa mga naitalang COVID-19 pediatric cases, dalawa sa mga ito ang may comorbidities at nakitaan ng malalang kaso.