Pagbabakuna sa ‘younger population’ ng bansa, hindi pa prayoridad ayon sa isang health expert

Nilinaw ng isang health expert na hindi pa prayoridad sa bakunahan kontra COVID-19 ang ‘younger population’ o mga kabataan sa bansa.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Specialist at miyembro ng Vaccine Expert Panel, wala pang nakikitang surge sa nasabing populasyon.

Pero gayunman, sinabi ni Solante na ang mga 12 hanggang 15 anyos na kabataan sa ating bansa ay plano ng gobyerno na mabakunahan upang magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa sakit.


Isa rin sa idinahilan ni Solante kung bakit hindi pa nababakunahan ang mga kabataan ay dahil na rin sa limitadong supply ng mga COVID-19 vaccines.

Sa ngayon, nanawagan si Dr. Isagani Padolina, miyembro rin ng Vaccine Expert Panel sa mga senior citizen na magpabakuna na kontra COVID-19.

Facebook Comments