Pagbabalik ng e-sabong, ibinabala ng Kamara

163

Ibinabala ni dating Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang posibilidad na bumalik ang operasyon ng e-sabong.

Ayon kay Cayetano, kung magpapabaya sa pagbabantay laban sa e-sabong lalo ang publiko ay malaki ang tyansang magbabalik ito.

Sa ngayon aniya ay nagpapalamig lang ang e-sabong operators at may planong bumalik sa pamamagitan ng Senado o sa susunod na administrasyon.


Umapela ang kongresista sa faith-based at religious groups na patuloy na ituro ang mga kasamaang dulot ng online gambling para kahit bumalik ito ay wala nang mahuhulog sa iligal na gawain.

Nakiusap din ang mambabatas sa mga guro at magulang na manguna sa pagtuturo ng masamang epekto ng sugal upang hindi na ito subukan at pamarisan ng mga kabataan.

Facebook Comments