Sa interview kay Captain Rigor Pamittan, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5ID kasabay ng isinagawang Radio Seminar and Workshop ng iFM Cauayan, sinabi nito na napakagandang desisyon ito ng pamahalaan para mailayo ang mga kabataan sa ginagawang recruitment ng mga front organizations ng makakaliwang grupo.
Ang mga kabataan kasi aniya ang madalas na target na hinihikayat ng mga prenteng organisasyon para sumampa sa kilusan.
Bukod dito, sa muling pagbabalik ng ROTC ay madadagdagan pa ang mga Reserve Officers sa bansa na maaaring magamit para protektahan at ipagtanggol ang bansa sa panahon ng digmaan o kung magkaroon ng foreign aggression.
Gayundin ay para mapanatili ang disiplina at maging aktibo ang mga kabataan.
Kasunod na rin ito ng usap-usapan sa ngayon na posibleng maibalik ang Mandatory ROTC sa mga paaralan matapos na italaga ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Presumptive Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng DepEd.