Pulong sa pagitan nina Pangulong Duterte at presumptive President Marcos, hindi pa itinatakda

223

Wala pang petsang itinatakda kung kailan magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at PCOO Sec. Martin Andanar, mas mainam na hintayin na lamang ang announcement hinggil dito.

Ani Andanar, wala naman kasing nabanggit ang pangulo rito kahapon sa kanyang Talk to The People.


Posible aniyang mabigyang linaw ito sa susunod nilang cabinet meeting sa susunod na linggo.

Hinggil naman sa inauguration ni presumptive President Bongbong Marcos, sinabi ni Andanar na mayroon ng protocols at nakasanayang tradisyon dito.

Alas-12 ng tanghali ng June 30, bababa sa pwesto si Pangulong Duterte at papasok naman ang susunod na administrasyon.
.



Facebook Comments