Pagbabalik ng ROTC, pinaniniwalaang makakatulong sa mental health ng mga kabataan

Naniniwala si Defense Secretary Carlito Galvez Jr., na makakatulong para sa mental health ng mga kabataan ang isinusulong na Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.

Sa ginanap na pagdinig ng Senado, sinabi ni Galvez na sa Mandatory ROTC ay tataas ang tolerance level ng mga kabataan sa pagkadismaya.

Karamihan din aniya sa mga sundalo na ide-deploy sa mga paaralan para magturo ng ROTC ay sinanay bilang lider at counselor kaya naman may kakayahan din silang magpayo sa mga mag-aaral na dadaing ng mga problema.


Kinatigan naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pahayag ni Sec. Galvez na makakatulong sa mental health ang pagbabalik ng ROTC dahil sa tataas ang level ng tolerance mo sa mga frustrations sa buhay.

Inihalimbawa ni dela Rosa ang kanyang sarili na kung hindi dumaan sa pagsasanay ng ROTC at pumasok sa Philippine National Academy (PMA) ay baka tumalon na siya sa gusali dahil sa mababa ang level ng kanyang tolerance.

Facebook Comments