Malaking tulong sa Pilipinas at Amerika ang pagbabalik ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kailangan ng Pilipinas ang VFA upang maigiit ang karapatan sa West Philippine Sea (WPS).
Habang ani pa ng Senador, pabor din ito sa Amerika dahil sa tulong VFA ay maipaglalaban ang malayang paglalayag sa nasabing teritoryo.
Kasabay nito, iginiit naman ni Drilon na dapat na magkaroon ng konsultasyon ang ehekutibo sa kongreso katulad na lamang sa isyu ng VFA.
Facebook Comments