Ikinatuwa ng Alliance of Concerned Teachers NCR ang pagsusulong ng pamahalaan na maibalik na sa dati ang school calendar sa susunod na taon.
Sa harap ito ng patuloy na suspension ng face-to-face classes sa maraming paaralan dahil sa grabeng init.
Ayon kay teacher Ruby Bernardo, ang pangulo ng unyon ng ACT NCR, magkaroon pa sana ang gobyerno ng pangmatagalang solusyon.
Isa sa mungkahi ng grupo na baguhin o magtayo na ng mga climate-resilient infrastructure na pwede sa tag-ulan at maging sa matinding init.
Sinabi ni Bernardo na malinaw na mayroon ng climate crisis kayat marapat na maging mabilis ang aksyon dito ng gobyerno.
Mula aniya sa kakulangan ng mga guro at silid aralan, kailangang pagtuunan na ng pansin ang pagtuturo sa mga bata kaugnay sa pabago-bagong panahon at paghahanda sa mga kalamidad.