PAGBABANTAY SA MARINE PROTECTED AREA NG BACNOTAN, LA UNION, PINAIIGTING

Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang pagbabantay sa marine protected area ng bayan bilang suporta sa mga mangingisda.
Ilang surface marker buoys o boya ang inilunsad upang matiyak ang kaayusan sa mga protected area na sakop ng mga barangay ng Quirino, Cabarsican, Tammocalao at Pandan.
Ayon sa Municipal Fisheries and Aquatic Resources, nakatutulong umano ang mga buoys sa pagpaparami ng nahuhuling isda sa lugar.

Layunin nitong mapaangat pa ang sektor ng pangisdaan sa bayan matapos lumabas sa isang pag-aaral na maraming itlog ng isda ang natagpuan sa baybayin na sakop ng Bacnotan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments