Manila, Philippines – Kinampihan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang plano ng Department of Agriculture na pansamantalang ipagbawal ang importasyon ng bigas.
Ayon kay Zarate, tama lang naman na baguhin ang sistema kaugnay ng rice policy ng administrasyon.
Iginiit ni Zarate na ang dapat talagang pangunahing layunin ng National Food Authority ay tulungan ang mga magsasaka at tiyakin ang rice-sufficiency.
Sa halip na sa pag-angkat, mas dapat anyang gamitin ang pondo bilang ayuda sa mga magsasaka kaysa mapunta ang pera sa mga Vietnamese o Thais.
Binigyang diin ng kongresista na ang rice importation policy mapa-gobyerno man o pribado ay lalo lamang naglalagay sa mga magsasakasa pagkalugi at paghihirap.
Facebook Comments