Pagbabawal sa mga imports na makapaglaro sa NCAA, inalmahan ng mga manlalaro

Umalma si University of the Philippines (UP) star Kobe Paras sa desisyon ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng mga sports simula sa Season 96.

Ayon kay Paras, masyadong napakalupit ng desisyon at hindi na angkop sa panahon ngayon.

Maraming manlalaro rin ang nagpahayag ng kanilang galit sa social media, habang ang iba naman ay pabor na alisin ang foreign student- athletes sa palaro para mabigyang pagkakataon ang mga malalaking local players.


Nilinaw naman ni Management Committee Chairman Vic Calvo ng Letran na hindi na mababali ang nasabing desisyon.

Facebook Comments