
Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa importasyon ng domestic at wild birds, kabilang ang mga poultry product mula Belgium.
Kasunod na rin ito ng kumpirmasyon ng Belgian veterinary authorities na naresolba na ang outbreak ng highly pathogenic avian influenza o (H5N1) sa Sint-Niklaas, Oost-Vlaanderen noong February 17.
Ipinatupad ng DA ang import ban upang protektahan ang poultry industry, na may kritikal na ambag sa food security ng bansa.
Dahil sa pagtanggal sa temporary ban, bukas na muli ang trade line ng Pilipinas sa itinuturing na pangunahing poultry producers sa Europe at magkaroon muli ng maasahang mapagkukunan ng suplay ng poultry products.
Facebook Comments









